^

Pang Movies

Rufa Mae, aktibo na ulit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rufa Mae, aktibo na ulit
Rufa Mae

Balik-telebisyon talaga para maghatid ng good vibes ang Sparkle comedian na si Rufa Mae Quinto sa family sitcom na Tols.

Na-miss daw ni Rufa Mae na magpatawa matapos ang ilang taong paninirahan sa abroad.

Kaya naman sobra-sobra ang kanyang excitement na maging bahagi ng naturang sitcom kung saan nakahanap daw siya ng panibagong pamilya.

Makakasama niya sa programa sina Kelvin Miranda, Shaun Salvador, Abdul Raman, Betong Sumaya, at marami pang iba.

Bongga.

JC, nasa Beautehaus na

Ang sarap naman ng invitation ni Rhea Tan ng Beautederm sa Pampanga.

Inimbita niya ang ilang showbiz editors and writers sa isang out of town meet-and-greet ng kanilang local ambassadors at ipakilala formally sina JC Santos at asawa nitong si Shyleena bilang mga ambassador ng kanyang pag-aaring beauty clinic, ang BeauteHaus.

Bongga, talagang sobra sa busy ngayon ang Rhea dahil nga number one din ang beauty pro­ducts niya sa market.

At least talagang hindi na siya kailangang magbiyahe sa Manila para sa kanilang mga press event, mismong ang mga iniimbita na lang niya ang pinapupunta niya sa kanyang ‘opisina’, ang five star hotel na Marriott Clark.

Sosyal ‘di ba.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with