^

Pang Movies

Ruru, nag-ikot kasama ang buwaya  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ruru, nag-ikot kasama ang buwaya                   

Kinuwento ni Ruru Madrid na malaking hamon para sa production team ng Lolong ang pag-shoot ng eksena kay Dakila, ang dambuhalang animatronic na buwaya na pinapagalaw ng 15 hanggang 20 katao.
“May nagkokontrol dito, may nagkokontrol diyan. Para talaga siyang robot na kinokontrol ng mara­ming tao.
“Sometimes medyo hassle rin for us dahil kapag nagda-dialogue ako, nanginginig ‘yung ‘Ssshh’ (makina) kapag pinipindot, gumagalaw ‘yung ulo niya, bumubuka ‘yung bibig niya. ‘Yun ‘yung hirap namin. Sa audio, kailangan kong i-dub ‘yung ibang mga eksena,” sey ni Ruru.
Kelan lang ay nag-trending sa social media si Dakila nang ibiyahe siya sakay ng malaking truck mula sa Commonwealth Avenue hanggang sa GMA Network Studios. Akala ng mga nag-post na netizens ay totoong dambulahang buwaya ang nakagapos sa truck. Kapag nakatigil ang truck, may mga nagpapa-selfie pa kay Dakila.
Matatandaang natigil si Ruru noon sa pag-taping ng Lolong matapos magtamo ng minor fracture sa kanang paa habang ginagawa ang isang stunt para sa naturang series. Pero hindi lang minsan nangyari ang aksidente sa kanya.
“Many, many times, naaksidente ako dito, napilayan ako, napako ako, ang daming injuries. May ibang crew naman din na naospital pa.
“Three years po namin itong pinaghandaan. Doon sa three years na ‘yon nag-Yaw-Yan ako, nag-undergo ako ng arnis, nag-boxing ako. Ang dami kong bagong skills na na-unlock because of this project. Ngayon naiiyak ako dahil maraming na­ging sakripisyo ang ginawa ng buong cast and crew para matapos namin itong Lolong.”

Big Bang Theory star, single na ulit

Single na ulit ang Big Bang Theory star na si Kaley Cuoco dahil na-finalize na ang divorce niya sa kanyang second husband na si Karl Cook.
Noong June 24 na-settle ang divorce ng dalawa. Kinasal sila noong June 30, 2018 at September 2021 sila naglabas ng joint statement na sila ay maghihiwalay na.
“Despite a deep love and respect for one another, we have realized that our current paths have taken us in opposite directions,” ayon sa lumabas na statement sa social media.
Naging mabilis ang divorce proceedings dahil may ironclad prenuptial agreement ang dalawa bago sila kinasal. Wala rin daw silang anak kaya hindi naging issue ang child custody and support sa kanilang kaso.

Paghahatian lang daw nila, ayon sa korte, ay ang mga alaga nilang mga hayop. Parehong equestrians ang ex-couple kaya meron silang stable of horses.
Si Cook ay tagapagmana ng billion dollar empire samantalang si Kaley ay actress-producer na ang net worth ay $100 million ayon sa Forbes.

Unang kinasal ang The Flight Attendant star sa tennis star na si Ryan Sweeting noong 2014 at nag-divorce sila noong 2016.

Kasalukuyang in a relationship ang aktres sa aktor na si Tom Pelphrey na napanood sa Netflix series na Ozark at Iron Fist.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with