^

Pang Movies

Niña, hinahanap-hanap ang radyo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Niña, hinahanap-hanap ang radyo

Balik radio raw si Niña Taduran after ng kanyang pagiging congresswoman,. Talagang radio broadcasting ang kanyang buhay na hinahanap-hanap ng kanyang katawan. Napakabait at hindi nagbago kahit pa nga umabot sa kongreso si Niña Taduran.

Isa siyang napakagandang asset sa kanyang kasama, at palagay ko, dagdag suwerte siya sa sinumang sinasamahan niya.

Kung ano man ang narating niya, sikap at tiyaga iyon ni Niña Taduran, dahil bukod sa mabait ay napakatalinong tao ni Niña.

Sobra siyang tumanaw ng utang na loob kaya naman kung minsan parang exploited na ang kanyang kabaitan. Pero sa ganda ng ugali at katalinuhan ni Niña Taduran tiyak na mas malayo pa at mas mataas pa ang mararating niya.

Aim high, my dear Niña, deserving ka ng magagandang bagay. At kahit saan ka mapunta, promise, susunod kami sa iyo to support you. Stay strong.

Gretchen, nagpaka-lady santa claus

Naku talagang winner ako sa puso nina double A, Ms. Ana Abiera at Ms. Rusky Fernandez. Imagine na ang wish ko na love box para sa personal staff ko, dumating kaya ang laki ng eyes nina Mel (kasama ko sa bahay) and company. At para bang tingin nila kay Gretchen Barretto babae na Santa Claus na siyang nagdala ng kahon ng ligaya para sa kanila.

Naku, kung candidate si Gretchen sure akong siya ang nakasulat sa balota ng mga staff ko, baka lahat ng position, from President, VP, congressman, governor, mayor hanggang councilor ito ang ilagay nila sa ballot.

Ganyan katindi ang dating ng Gretchen love box sa kanila, at siguro alam nina Ana Abiera at Ms. Rusky kung ano ang ligaya na binibigay nito sa buhay ng nakakatanggap. Gretchen Barretto, Ana Abiera, Ms. Rusky at sa iyo rin, Francis Simeon, our heartfelt thank you sa kindness ninyo, sa happiness na binibigay at share ninyo, sa maraming tao na lumiligaya sa mga bigas, wheelchair at love box, forever grateful talaga.

Merry Pasko at sana lagi sana kayong safe dahil sa rami ng napapaligaya n’yong mga tao. We love you, promise.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with