^

Pang Movies

John Lloyd ‘present father,’ hatid-sundo ang anak kay Ellen!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John Lloyd �present father,� hatid-sundo ang anak kay Ellen!
John Lloyd at Elias

“Present father” ang tawag ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz na ama ng kanyang anak na si Elias Modesto.

Nagpa-Q&A kasi si Ellen sa kanyang followers sa Instagram at isa sa mga tanong ay “does Baby Elias still get to spend time with his dad?”

“Yes he does,” sagot ni Ellen. At idinagdag sa Bisayang salita na hatid-sundo raw ni John Lloyd ang kanilang anak.

“Si John Lloyd, present father, he wants to be present. He needs his father as much as he needs me,” sey pa ni Ellen.

Carlo, hindi humuhupa ang galit sa baby bashers

Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Carlo Aquino sa mga nang-bash sa kanyang baby na si Elona Mithi.

“Bakit pati mga sanggol o batang walang kalaban laban? Wala ba kayong mga anak? Pamangkin? Huwag naman sana ganun kawalang puso. I­ngatan natin ang mundong kalalakihan ng mga batang ito. Huwag nating hayaang maging marahas. Hindi lang para sa anak ng artista, pero para sa lahat,” ang post ni Carlo sa kanyang Instagram Story kasama ang inilabas na press statement ng Star Magic regarding bashing of artists’ children on social media.

Isa si baby Mithi sa mga batang biktima ng cyber-bullying at online bashings sa social media recently. Bukod sa mga hindi magagandang name-calling sa bata ay lubhang nakaka-bother din ang komento ng netizen na “ang sarap mo namang pataying bata ka.”

Bago si baby Mithi ay nauna nang na-bash ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson.

Kaya naman nabahala na rin ang Star Magic at naglabas ng statement na kinokondena ang pamba-bash sa social media sa mga anak ng artista. Ipinahayag din ng talent agency ng ABS-CBN na nakatakda silang magsampa ng kaso sa bashers na ito.

Andrea, may pinatunayan

Pinatunayan ni Mira (Andrea Brillantes) na nakakahawa ang kabutihan pagkatapos niyang mahimok ang mga taga-Hermoso na magtulungan pagkatapos ng isang malakas na bagyo sa inspirational series ng ABS-CBN na Huwag Kang Mangamba, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z and TV5.

Nag-trending sa social media ang pagbibigay ni Mira ng nakuha niyang relief goods sa mga mas nangangailangan, kaya naman muling nabuhayan ng loob ang mga tao at nagsilbing inspirasyon sa kanila para magbayanihan.

Habang unti-unting nahuhulog ang loob ng mga taga-Hermoso kay Mira, napapalapit na rin sa kanya si Joy (Francine Diaz) kahit hindi pa rin buo ang tiwala nito sa pananampalataya niya kay Bro.

Ngunit susubukan namang sirain ng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) ang relasyon ng dalawa sa panunuhol niya kay Joy na lokohin si Mira, na nagi­ging banta na sa kanyang negosyo.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with