^

Pang Movies

Julia, mas lantad sa pagka-in love kay Gerald!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Julia, mas lantad sa pagka-in love kay Gerald!
Julia at Gerald

Dahil lang sa larawan nina Gerald Anderson at Julia Barretto na nakayakap si Julia noong nag-fishing silang magdyowa, nasabi agad ng netizens na between the two, mas in-love si Julia sa boyfriend than the other way around. Mas clingy daw kasi ang aktres kaya ang paniwala ng netizens, siya ang mas in love kesa kay Gerald.

Still on Julia, hindi pa rin ito nagpo-post ng photos nila ni Gerald noong sila’y mag-fishing. Gusto pa namang makita ng netizens ang malalaking isdang nabingwit nila ni Gerald, ang nangyayari, sa ibang Instagram account na lang nila nakikita.

Waiting naman ang IG followers ni Julia na sagutin nito ang pag-I love yous sa kanilang magkakapatid (Dani, Claudia, at Leon) ni Dennis Padilla. Pero, two days na ang nakaraan, wala pa ring sagot ang mga binanggit ni Dennis. Sina Julia at Claudia ang nagpalitan ng “I love you” sa IG.

Julie Anne hindi kinuyog ng DDS

Wala pang DDS na sumusugod sa Twitter ni Julie Anne San Jose para siya’y awayin dahil sa tweet niyang “*left the group* cos golf muna” bilang reaction sa news ng na sinadya ni President Rodrigo Duterte na ‘wag magpakita ng ilang araw sa tao.

Sabagay, wala namang masama sa tweet ni Julie at totoo namang naglaro ng golf si Pres. Duterte at may mga larawang lumabas na nagpatunay na nag-golf nga siya.

Saka, inunahan na ng ilang netizens ang mga mamba-bash kay Julie dahil sa tweet niya. Tax payer daw ang Kapuso singer-actress, kaya may karapatan siyang magpahayag ng opinion.

Ka Tunying, tuloy ang demanda sa empleyadong nagnakaw

Mukhang idedemanda na ni Anthony Taberna ang inakusahang former employee ng Ka Tunying’s Restaurant nila ng asawang si Rossel Taberna dahil nakipag-mee­ting na siya sa mga abogado.

Pinost ni Ka Tunying ang larawan niya nang pumunta sa Gana Atienza Avisado Law Firm at ang sabi, “Pumasyal ako sa isang Law Firm. Bukas, abangan ang isang malaking hakbang sa paghahanap ng hustisya kasama ko ang Law Firm na ito. Ganun naman ang katarungan – mailap kung minsan pero iyo ring matatagpuan!”

Sumagot si Rossel ng, “Salamat sa Ama. Dinirinig Niya ang ating panata at paghahanap ng hustisya.”

Ang natatandaan namin, hindi man binanggit ni Ka Tunying ang worth ng perang ninakaw sa kanila, malaking halaga ‘yun. Siguro, kapag nagdemanda na sila ni Rossel, malalaman na kung magkano ang nawalang pera sa kanila.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with