^

Pang Movies

Advocacy video ni Gazini, nag-trending!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Advocacy video ni Gazini, nag-trending!
Gazini

Hindi man pinalad sa nakaraang contest na Miss Universe 2019, nag-trending pa rin ang official advocacy video ni Gazini Ganados kung saan ang singer na si JMKO ang nag-perform at nag-arrange. Inilabas ito ng ABS-CBN Star Music.

Mapapanood sa music video ang pagkakawanggawa niya sa mga matatandang mag-isa na lang sa buhay. Very touching ang mensahe ni Gazini para sa mga kabataan na dapat ay pahalagahan ang mga magulang at ang kanilang mga lolo at lola dahil eventually, lahat naman tayo ay tatanda.

Kahit na hindi niya naiuwi ang korona, nangako si Gazini na ipagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya, dahil siya rin mismo ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang lola.

Samantala, kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot niya matapos hindi makapasok sa top 5 ng Miss Universe. Pero maraming beauty queens ang nagtanggol sa kanya at sinabing proud sila rito at maganda ang ipinakita niyang performance.

Malaking pasasalamat naman ang binigay ni Gazini para sa kanyang mga tagasuporta.

vuukle comment

GAZINI GANADOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with