^

Pang Movies

Vic, halo-halo ang kasama sa pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Vic, halo-halo ang kasama sa pelikula

Natuwa kami sa nakita namin kay Vic Sotto after ng Q&A sa mediacon ng MMFF entry na Mission Unstapabol: The Don Indentity. Nasa likod si Vic ini-interview ng solo, habang ini-interview ang mga kasama niya sa pelikula. Ni-request ni Vic na sayawin at kantahin ang theme song ng movie na Kapag Tumibok ang Puso na siya rin ang kumanta sa movie, pero original ni Donna Cruz.

Kinorek pala ni Vic ang comment na laging may Dabarkads na kasama sa kanyang mga pelikula. Sabi nito, may dabarkads, may Kapamilya, kay Kapatid at Kapuso sa mga pelikula niya dahil mas masaya ang ganu’n at nakakatrabaho niya ang lahat.

Sa sinabi ni Vic na matagal ang proseso sa pagpili ng tamang cast na babagay sa role, hindi agad-agad nilang napili ni director Mike Tuviera na isama sa cast ng Mission Unstapabol sina Pokwang at Jake, ang Kapamilya stars na kasama sa cast.

K actor hindi makakadalo sa premier night ng Miracle…

This Monday na gaganapin ang Red Carpet Premiere Night ng Viva Films’ Metro Manila Film Festival entry na Miracle in Cell No. 7 sa SM Megamall at sa mga nag-aabang sa pagdalo ng Korean actor na si Ryu Seung-ryong na gumanap na lead actor sa nasabing pelikula, sorry at hindi siya makakadalo.

Ang sinabi sa aming darating at dadalo sa premiere night to watch the Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7 ay ang director ng movie na si Lee Hwa-kyung at ang producer na si Lim Min-Sub na inimbita ng Viva Films. May English subtitle naman yata ang movie, kaya hindi sila mahihirapang intindihin ang Tagalog dialogue.

Sabi ng mga nakapanood na ng movie, malaki ang laban ni Aga na manalong Best Actor sa Miracle in Cell No.7, ang hinihintay ng press people, ang pangako ni Aga na win or loss, magpapa-party siya next year sa press na invited sa mediacon.

Kris at mga anak, sa malamig na lugar magpa-Pasko

Lumipad kahapon sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby sa three weeks vacation nila na sabi ni Kris.

Sa North America ang destination nina Kris, hindi binanggit ang eksaktong lugar sa North America, hintayin na lang natin ang kanyang mga post.

Nag-Google kami para malaman ang states na kabilang sa North America at sa sinabi ni Kris na malamig ang kanilang pupuntahan, may clue na ang netizens kung saan sila magbabakasyon. Huwag na lang natin siyang pangunahan dahil tiyak namang magpo-post ito kapag nakarating na.

Ang tagal ng three weeks at kung bibilangin, parang sa ibang bansa na rin magsi-celebrate ng New Year ang mga Aquinos.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with