^

Pang Movies

Richard all out ang support sa pagpapa-sexy ni Sarah!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard all out ang support sa pagpapa-sexy ni Sarah!
Sarah

Ang sexy ni Sarah Lahbati sa karamihan ng mga picture na kuha sa kanya sa El Nido, Palawan kung saan ay nagbakasyon sila ng mag-aama niyang sina Richard Gutierrez, Zion at Kai.

Walang problema kay Richard kahit sexy si Sarah sa mga picture na pino-post nito.

Si Richard ay naa-appreciate masyado ang kaseksihan ni Sarah, kaya ok lang sa kanya na ma-appreciate rin ng iba ang kaseksihan ng kanyang soon-to-be bride.

Kagabi nga pala ay nakabalik na sila ng Maynila mula sa Palawan.

Jolo sobrang in love kay Angelica

Ngayong araw ginaganap ang kasalang Jolo Revilla-Angelica Alita sa Pelican Hill sa Newport Beach, California (bale Sunday pa kasi sa Amerika).

Sosyal ang lugar na ‘yon, kaya siguradong sosyal din ang nasabing kasalan.

Marami ang masaya na nagpakasal na si Jolo after ma-involved siya noong araw sa iba’t ibang mga babae at ang latest nga ay si Jodi Sta. Maria.

Obvious na sa mga kilos at pananalita ni Jolo ay sobra siyang in love sa kanyang bride.

Eat Bulaga tradisyon na ang pagla-live tuwing January 1

Maraming shows na ang nag-a-advance taping para makapagbakasyon naman ang stars, staff and crew.

Pati ang Eat Bulaga ay nag-a-advance taping na rin.

Sa January 1 ay magla-live uli ang longest-running noontime show ng Philippines.

Tradisyon na nila ‘yon.

Ang katapat naman na It’s Showtime ay hanggang December 23 ay live at taped na ng December 24 at 25 at live uli ng December 26 and 27 at taped na hanggang January 1.

Sa January 2 na uli magla-live ang It’s Showtime.

Anne naka-bed rest na

Si Vice Ganda sa SM City Cebu kahapon.

Bale mall show ‘yon ng Metro Manila Film Festival 2019 official entry nila ni Anne Curtis, ang The Mall, The Merrier.

Balikan lang si Vice at live na uli siyang mapapanood sa It’s Showtime today.

Hindi raw napapagod si Vice sa pagpo-promote ng The Mall, The Merrier.

Kahit sinasabing sure hit na ang pelikulang ‘yon at magna-number one sila, alam daw ni Vice na kailangan pa rin siyang mag-effort sa promotions ng filmfest entry nila ni Anne.

Hindi nga pala kasama si Anne sa Cebu kahapon dahil bed rest muna ito dahil buntis nga.

Pero ok lang naman daw ‘yon kay Vice dahil buntis nga si Anne.

‘Yun na!

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with