^

Pang Movies

Aga misteryoso sa pelikula nila ni Alice

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Aga misteryoso sa pelikula nila ni Alice

Inamin ni Aga Muhlach na pagkatapos ng halos anim na taong hindi siya gumawa ng pelikula, hindi raw niya ma-imagine na babalik siya sa paggawa ng romcom, drama o mga pelikulang karaniwang ginagawa niya noong araw. Kaya noong dumating sa kanya ang offer para gawin ang pelikulang Nuuk, at nabasa niya ang kakaibang kuwento at ang character na kanyang gagampanan, tinanggap niya ito agad.

Noon pa raw nila napag-usapan iyan, bago pa iyong Seven Sundays at iba pa niyang mga pelikulang nailabas na at inaamin niya nagkaroon ng delay dahil hindi naman ganoon kasimple ang mag-shooting sa isang lugar na malayo sa kabihasnan. Ang Nuuk ay capital ng Greenland, pero dahil sa tindi ng lamig, talagang wala ka halos makikita roon, iyon ngang kanilang populasyon hanggang ngayon ay nasa labingwalong libong tao lamang at huwag kayong magugulat, sinasabing sa bilang na iyan ay kasama pa ang mga apat na raang Pilipino na naninirahan doon.

Ibang klase nga ang character ni Aga. Pinipilit nga siyang tanungin, iyon bang character niya ay isang multo? Isa ba siyang alien? Killer ba siya? Fiction ba siya o likhang isip lamang ng character ni Alice Dixson? Pero hindi sinagot ni Aga. Pero maliwanag sa kuwento na si Alice ay isang biyuda na medyo desperada dahil hindi niya matanggap na namatay na ang asawa niya, hanggang dumating si Aga sa buhay niya at pinalakas ang kanyang loob. Pero ang misteryo, lumalabas na maliban pala kay Alice, walang ibang taong nakakakita kay Aga.

Eh sa dami na nga ng mga pelikulang nagawa ni Aga, sinasabi nga niyang kailangan niya ng isang role na ganyan, iyong naiiba naman, para ma-excite siya sa kanyang ginagawang project. Ang pelikula ay co-produced ng Embassy of Denmark, at unang ipinalabas bilang opening film sa ika-limang Danish Film Festival.

Nakatutuwa na isang pelikulang Pilipino ang nakasali sa unang pagkakataon sa isang festival ng Denmark. Iyang Nuuk ay siyang capital ng Greenland, na isang autonomous region ng Kingdom of Denmark.

Pero mabilis matakot, Alyssa madugo ang eksena sa horror film

May isa pang Muhlach na nasa pelikula na rin, si Alyssa Muhlach. Anak siya ng kapatid ni Aga na si Almira at ng basketball player na si Paul Alvarez. Siya ang leading lady ni Dennis Trillo sa horror film na Hellcome Home.

Pero nakakatawa, dahil inamin ni Alyssa na hindi siya nanonood ng mga horror film. Nung minsan daw kasing nanood siya ay hindi siya nakatulog. Iniisip pa nga niya kung ano ang gagawin niya ngayong artista siya sa Hellcome Home, na sinasabi sa kanya ng mga nakapanood na, na talaga raw kikilabutan ka sa mapapanood mo.

Nakita rin namin ang trailer ng pelikula, madugo nga ang mga eksena. Kahit sa trailer, kung hindi ka sanay sa mga ganoong palabas, kikilabutan ka talaga. Hindi rin maliwanag kung isang maligno o tao ang gumagawa ng mga bagay na iyon. Basta guguluhin niya ang buhay ng dalawang pamilyang magtatangkang tumira sa bahay na iyon.

Magaling naman talaga ang mga Pinoy na gumawa ng horror. Naalala nga namin, mas maraming pagkakataon na nakadama kami ng takot sa isang pelikulang Pilipino, kaysa sa mga horror films na gawa sa abroad.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with