^

Pang Movies

Maine hindi na ‘suspended’

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine hindi na �suspended�
Maine

Nadagdagan ang saya sa second day na live na ang Eat Bulaga kahapon dahil nasa barangay na si phenomenal star Maine Mendoza. Marami nang naghahanap kay Maine na fans dahil this March, napanood lamang siya nang mag-celebrate siya ng birthday niya sa EB last March 2, pagkatapos noon ay hindi na siya napanood at kung meron man, ito ay noong taped na ang EB dahil nasa Holy Land ang Dabarkads. Kaya may mga nagtanong na kung totoong suspended sa noontime show si Maine, pero pinabulaanan ito ng manager niyang si Rams David at kahit ng TAPE Executive na si Malou Choa Fagar.

Nag-enjoy si Maine with the Dabarkads sa pilgrimage nila sa Holy Land, at nang makabalik lamang silang lahat saka siya bumalik na rin sa show. Naka-schedule si Maine na mag-taping naman ng kanyang episode for the Lenten Special ng programa sa April 3. Si Bossing Vic Sotto ay nag-taping na raw sa Sagada ng episode niya, si Alden Richards ay sa Davao at GenSan naman magti-taping. 

GMA Public Affairs sumabak na rin sa digital drama

Kung dati ay groundbreaking and award-winning documentaries and programs lamang ang pinu-produce ng GMA Public Affairs, ngayon ay pumasok na rin sila sa pagpu-produce ng digital love stories sa pamamagitan ng first digital love story nilang One Hugot Away kung saan tampok sina Shaira Diaz at David Licauco as Ella and Ben respectively, entitled Walang Label. 

Sa ngayon ay ipinakikita na ang mga snippet ng short film sa GMA-7 during commercial gaps ng ilang Kapuso pograms. Pero mapapanood na ito sa March 25, sa GMA Network’s Facebook and YouTube accounts. Pero ang kabuuan nito ay mapapanood sa March 28 pagkatapos ng TODA One I Love sa GMA-7.

Rita wagas ang katarayan!

Naninibago ang netizens na sumusubaybay sa morning teleserye na Hiram Na Anak, dahil sa sobrang katarayan ng character ni Hilda, played by Rita Avila. Hindi raw sila sanay mapanood si Rita na ganoong kataray.

Napapanood ang Hiram na Anak bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with