^

Pang Movies

Matteo tinaob pa ng Korean actor

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Matteo tinaob pa ng Korean actor
Matteo Guidicelli

Hindi kami nasindak doon sa rami ng nanood sa fan meeting ng Korean star na si Lee Jong-suk noong isang gabi sa Big Dome. Eh bakit naman kami masisindak eh ganoon din ang nakita naming dami ng tao noong mag-concert doon si Daniel Padilla.

Sa observation nga namin, maski na mga dayuhan kayang itaob ng ating mga local talent, lalo na kagaya ni Daniel. Iyong iba nating mga talent, hindi lang nabibigyan nang hustong break eh. Kung mabibigyan lang ang mga iyan ng pagkakataon, kaya nilang ta­lunin ang mga Koreano.

Isa pang magandang example ay si Matteo Guidicelli. Hindi masyadong naipu-push iyan bilang singer. Hindi rin naman masasabing matindi ang push sa kanya bilang actor. Pero napupuna namin ang malakas na suporta sa kanya ng mga tao. On his own iyan ha, hindi dahil lang sa boyfriend siya ni Sarah Geronimo. May sariling followers si Matteo.

Dapat lang talaga bigyan ng magandang push ang mga local talent natin. Huwag na iyong mga may edad na. Papasukin na ang mga bago para umasenso.

Ciara nagmamadali na sa annulment

Nakahanda na nga bang lumagay ulit sa mas seryosong relasyon si Ciara Sotto? Matatandaang dalawang taon lamang ang nakararaan ay nakipaghiwalay siya sa kanyang asawang si Jojo Oconor, matapos na matuklasan diumano niya na may third party sa kanilang relasyon. Pinangalanan pa niya ang isang female star na sinasabi niyang siyang third party. Nag-deny ang female star, pero pinanindigan ni Ciara ang kanyang akusasyon.

Noong Hunyo, nag-file na ng isang kaso si Ciara na humihingi sa hukuman na ideklarang walang bisa ang kanilang kasal ni Oconor sa simula’t simula. Hindi maliwanag sa amin ngayon kung ano nga ang batayan ng kanyang hinihinging annulment, pero mukhang tiwala si Ciara na sooner or later ay makakakuha siya ng isang favorable decision mula sa korte.

Noon namang September, may kasama si Ciara na hindi niya pinangalanan pero sinasabing bagong boyfriend niya na ipinakilala na niya sa kanyang pamilya. Hanggang noong isang araw, nag-post siya ng pagbati sa lalaki, na tinawag niyang “my love” na tila inaamin na ang kanilang relasyon.

Later on nalaman na ang lalaki ay si Ian Austin, isang Filipino-American, na isa raw builder at sculptor. Sinasabing nakilala siya ni Ciara noong nanatili ito sa US nang ilang buwan. Si Ian ay may dugong Pinoy at mukhang ang mga kaanak niya ay taga-Pampanga. Kapampangan din ang ermat ni Ciara na si Helen Gamboa.

Mukha naman daw walang objections ang sino man sa pamilya ni Ciara sa kanyang pakikipagrelasyon kay Ian, at mukha namang hindi na magkakaroon ng problema dahil tanggap na rin ng dati niyang asawa na hiwalay na nga sila at wala nang pag-asang magkasundo pang muli. May isang anak si Ciara sa unang asawa, si Vincenzo Jose.

Male starlet nagreklamong minanyak ng aktres/TV host

Umuugong ang kuwento ng isang male starlet na naging bahagi noon ng isang TV show, na nagsasabing “minanyak niya ako”, na ang tinutukoy ay isang mas senior na female star. Diumano, ang gay manager ng female star ang nagdala kay bagets sa female star. May nangyari ngang milagro sa magdamag. Inamin naman ng bagets na “well compensated” siya, pero ayaw na raw niya dahil “sinagad” nga siya ng female star. Alam daw iyan ng manager ng female star.

Hindi namin alam kung bakit ngayon ay sumisingaw na ang lihim na iyan.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with