Payanig para sa mga guro, tagumpay!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2017 - 4:00pm

Big success ang 10th anniversary ng Gabay Guro Foundation, headed by its chairman, Chaye Cabal-Revilla and Brand Advocacy head Gary Dujali. Dumalo rin si Mr. Manny V. Pangi­linan ng PLDT at Smart. Masasabi ngang todo ang pagbibigay parangal nila dahil bukod sa malalaking premyo na natanggap ng mga guro sa pamamagitan ng raffle, ay dinagsa rin sila ng mga malalaking artista at celebrities na nagbigay saya sa may 20k teachers na dumalo mula sa iba’t ibang lugar sa bansa na pumuno sa Mall of Asia Arena last Sunday, September 17.

Naging hosts sina Miss Universe 2015 Pia Wurtz­bach, Ms. Pops Fernandez, Markki Stroem at Andrew Wolf. Maraming artistang dumating, sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid, Lea Salonga, Celeste Legaspi, Martin Nievera na nakipag-duet kay Pops, Gary Valenciano, Basil Valdez, Gabby Concepcion, Tom Rodriguez, South Border, Jona Viray, Michael Pangilinan.  First time rin ito ni Pop Princess Sarah Geronimo na magpasaya sa mga guro, at marami pang iba.

At based sa mga tilian ng audience, natupad na ang wish ng mga guro na makitang magkasamang mag-guest ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.  Natatandaan namin na noong 2015, si Alden lamang ang nakapag-guest dahil bawal pa silang magkita at magkausap noon ni Maine.  Then in 2016, out-of-the-country naman si Alden kaya si Maine lamang ang nag-guest, kasama si Ryzza Mae Dizon.  Ngayon, magkasama nang nag-guest sina Alden at Maine sa kanilang 10th anniversary. May song number si Alden at dance number naman si Maine na katulong din nina Pops na nagbasa ng winners. Naging bonus pa nina Alden at Maine ang kanilang baby sa Eat Bulaga na si Baeby Baste na sinamahan din nilang mag-perform ng kanyang Bastelicious dance.

Congratulaltions din sa Gabay Guro Foundation, more success sa mga susunod pang taon at mas malalaking prizes para sa mga itinutu­ring nating “bayani ng bayan,” ang mga Guro.     

Pagpapahirap kay Alden nag-trending

Nag-trending sa social media at umani ng papuri sina Alden Richards, Rocco Nacino at Ms. Gina Alajar sa docu-drama nilang Alaala: A Martial Law Special last Sunday, September 17.

Inamin ni Alden na ito na ang pinakamahirap niyang role na ginampanan. Nagpasalamat siya na nakausap niya si Boni Ilagan at sa GMA News & Public Affairs na ipinagkatiwala sa kanya ang role ng activist and Carlos Palanca awardee na si Boni.

Marami ring pumuri sa GMA at Direk Adolf Alix, Jr. na hindi raw natakot magpalabas ng ganitong documentary. 

Congratulations!

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with