Mommy D maligaya sa bagets na karelasyon, walang paki kahit nagagalit si Pacman
STARTALK - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2014 - 12:00am

Ang sabi ni Mommy Dionisia Pacquiao, mahiyain ang kanyang bagets boyfriend na 40-years old.

Siguro naman, likas na mahiyain ang ugali ng dyowa ng madir ni Congressman Manny Pacquiao at hindi mahiyain dahil nakikipagrelasyon siya sa isang babae na halos lola na niya.

Mukhang happy si Mommy D sa piling ng kanyang bagets dyowa, ke­sehodang hindi ito tanggap ng mga anak niya.

Isang bagay ang sure na sure ako, matatakot ang boyfriend ni Mommy D na lokohin ito or else, si Papa Manny at ang mga kapatid nito na barako ang makakalaban niya. Alam naman nating lahat kung gaano kalakas manapak si Papa Manny at ang kanyang mga kapatid na boksingero rin.

Bf ni Mommy d ingat-ingat, pacman number 39 sa 50 fittest athletes ng Sports Illustrated

Sa totoo lang, stress buster ang news na may love life si Mommy D.

Kahit papaano, nakakapagdulot siya ng aliw at pansamantalang nakakalimutan ng mga Pinoy ang mga problema sa trapik, corruption, at kung anik-anik na nagpapahirap sa ating bayan.

Ngayong open na si Mommy D sa pagsasalita tungkol sa kanyang love life, mag-expect tayo na susubaybayan ng madlang-bayan ang bawat pangyayari sa relasyon nila ni Michael na wala nang privacy mula nang ipakita sa TV ang mukha niya. Tingnan natin kung matatagalan o susuko si Michael sa atensyon na ibibigay sa kanya ng media at ng mga mahihilig sa tsismis.

Habang pinag-uusapan sa Pilipinas ang love life ni Mommy D, favorite topic din si Papa Manny sa mga umpukan dahil kasali siya sa 50 Fittest Athletes ng Sports Illustrated.

Number 39 si Papa Manny sa list ng 50 Fittest Athletes at napili siya dahil sa kanyang speed, strength, endurance, at agility.

Kitang-kita sa bawat boxing fight ni Papa Manny ang kanyang malakas na resistensya at bilis kaya may karapatan siya na makasama sa listahan ng 50 Fittest Athletes ng sikat na sports magazine.

Virgin People ipinalabas sa Cinemalaya

Ipinalabas kagabi sa CCP ang digitally remastered at restored version ng Virgin People, ang pelikula ng yumaong direktor na si Celso Ad Castillo.

Year 1984 nang ipalabas sa mga sinehan ang Virgin People kaya 30-years old na ang pelikula na pinagbidahan nina Janet Bordon, Myrna Castillo, at ang nagpakamatay na sexy star na si Pepsi Paloma.

Wala nang balita tungkol kay Myrna, active naman sa social media si Janet na U.S.-based na at hindi pa nagbabago ang mukha.

Si Ernie Garcia ang bidang lalaki sa Virgin People. Father roles na ang gina­gam­panan ngayon ni Ernie na active din sa pagpipinta.

Umuwi ng Pilipinas ang anak ni Celso na si Chris Ad Castillo para sa CCP screening ng restored version ng Virgin People, isa sa pinakamaingay at pinilahan sa sinehan na bold movie noong dekada ’80.

KC gusto ring manood ng Cinemalaya Movies

Nabigo si KC Concepcion na panoorin sa isang sinehan sa Makati City ang mga pelikula ng Cine­malaya  dahil sold out na ang tickets.

Kahapon ang libreng araw ni KC kaya naisip niya na panoorin ang mga pelikula na official entry sa Cinemalaya.

Ewan ko lang kung natuloy ang panonood ni KC sa CCP dahil hiningi  niya ang tulong ng kanyang social media followers para mapanood ang Cinemalaya movies.

CELSO AD CASTILLO CHRIS AD CASTILLO CINEMALAYA FITTEST ATHLETES MOMMY D PAPA MANNY SPORTS ILLUSTRATED VIRGIN PEOPLE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with