^

Dennis nakipag-bonding sa mamamatay tao

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2014 - 12:00am

Bago lumipad for London si Dennis Trillo, natapos niyang i-shoot ang indie film na The Janitor na isa sa official entries ng 2014 Cinemalaya Independent Film Festival.

Gumaganap bilang isang modern-day vigilante si Dennis na mula sa direksyon ni Mike Tuviera.

Para makapaghanda si Dennis sa kanyang role, face-to-face nga niyang nakausap ang isang real-life vigilante.

Dapat ay si Direk Mike lang ang mag-iinterview sa naturang vigilante. Pero nag-insist si Dennis na sasama siya para makilala rin niya ito at malaman ang kanilang paniniwala sa pagiging isang vigilante.

Kinatagpo nila ang naturang vigilante sa isang sikretong lugar at sa isang madilim na kuwarto. Hindi puwedeng ipakita ng vigilante ang kanyang hitsura kaya bawal din ang anumang camera.

Tatlong oras nilang kinausap ang vigilante at pinag-aralan ni Dennis ang mga kilos at pananalita nito.

“Nung umpisa po medyo kinakabahan kami ni Direk Mike kasi inisip namin baka delikado, pero nung nakaharap na namin sila, para lang silang mga normal na tao na hindi mo aakalain na ganoong trabaho ang ginagawa nila.

“Madali silang kausap. Edukado sila. Doon po sa grupo nila hindi lang sila basta-basta pumapatay. Sinisiguro nila na talagang masama itong mga taong ito at salot sa lipunan.

 “Medyo surreal ‘yung pakiramdam kasi ang mga kaharap mo, marami nang napatay na mga tao. Masaya lang kami na nakausap namin ang mga taong ‘yon para makatulong nang husto dito sa pelikula na ginagawa namin.”

The Janitor and other Cinemalaya films will be screened from August 1 to 10 sa Cultural Center of the Philippines, Greenbelt 3, Trinoma, Alabang Town Center, at Fairview Terraces.

Alice kinabog ang mga nasa edad 20’s sa listahan ng mga sexy

Si Alice Dixson lang ang nasa over 40 ang edad na nakasama sa Top 10 list ng Sexiest Women sa FHM Philippines ngayong 2014.

Nasa #7 ng Top 10 ang 44-year old actress na pumayag na magpa-sexy sa cover ng FHM noong December 2013.

Naging very visible si Alice noong nakaraang taon dahil sa kanyang mga shows sa TV5 tulad ng For Love or Money at Confessions of a Torpe. Ginawa rin niya ang hit movie na When the Love is Gone.

Siya rin ang kauna-unahang actress na nasa edad 40 pataas na nakasama sa top 10 list ng mga sexy actresses na nasa kanilang 20’s pa lang.

Ito pala ang second time na nakasama si Alice sa Top 100 list ng FHM. Una siyang napasama way back in 2002 at number 78 siya.

 

Selena isinusumpa ni Demi dahil kay Justin

Mukhang magkaaway na ang dating magkaibigan na sina Demi Lovato at Selena Gomez.

Hindi na fina-follow ni Demi si Selena sa Twitter kaya naghinala na ang kanilang fans na may matin­ding hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Nag-post pa si Demi ng isang kontrobersyal na tweet message na parang sinasabi na may matinding away sila ng kanyang dating kaibigan.

 “Swimming away from the bulls--t bye bitch!” sey pa ng tweet ni Demi.

May kinalaman daw ang pakikipagbalikan ni Selena sa ex-boyfriend nitong si Justin Bieber kaya nagalit itong si Demi.

Ilang beses na kasing sinasalo ni Demi si Selena tuwing nagde-depress ito kapag nakikipaghiwalay kay Justin. Ngayon ay ayaw na raw niyang ma-associate kay Selena na hindi na raw natuto at bumabalik pa rin kay Justin.

Parehong nagsimula bilang mga child stars sina Demi at Selena sa kiddie show na Barney & Friends.

Noong kunin silang dalawa ng Disney Channel, pinagbida sila sa kani-kanilang shows. Si Demi ay isinama with the Jonas Brothers sa TV-movie na Camp Rock at naging bida sa teen comedy series na As the Bell Rings.

Si Selena naman ay unang sinama sa show na The Suite Life of Zack & Cody hanggang kunin siya bilang isa sa lead stars ng family comedy show na The Wizards of Waverly Place.

ALABANG TOWN CENTER AS THE BELL RINGS CAMP ROCK CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL DEMI DIREK MIKE JUSTIN SELENA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with