Bagong bihis na UE kikilatisin sa UAAP Season 89
MANILA, Philippines — Bagong bihis ang University of the East matapos nilang bumuo ng malakas na puwersa para paghandaan ang pagsabak nila sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na magbubukas sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Masaklap na tinapos ng Red Warriors ang kampanya nila nakaraang 88th season dahil wala silang naipanalong laro sa 14 na laban.
Sina Precious Momowei, John Abate, Wello Lingolingo, at Nico Mulingtapang ang mga players ng Recto-based squad pero wala na sila ngayon kaya mga bagong mukha ang ipaparada nila sa kanilang unang laro.
Sa Setyembre 16 sa SM MOA makikilatis ang UE, makakatapat nila ang Ateneo de Manila University sa alas-3 ng hapon.
Mga batang players ang pinaghuhugot ng Red Warriors sa ibang eskuwelahan, pinangunahan ito nina Jheremy Godoy, Xyrus Gemao, at Louie Bual.
Tinulungan ni Godoy ang FEU-Diliman Baby Tamaraws na siluhin ang UAAP Season 88 high school championship habang maganda ang ipinakitang laro ni Gemao sa Mapua Red Robins.
Isa pang produkto ng FEU-Diliman ang pinirata ng Red Warriors, ito’y si Dexter Santos na susunod sa sistema ni head coach Chris Gavina.
Tinapik din ng UE ang serbisyo ni JM Edoukou habang si Tope Lagat ang magiging go-to guy ng UE.
- Latest




















