^

PSN Palaro

Lee naka-bronze sa para cycling; food delivery rider nanorpresa

Pilipino Star Ngayon
Lee naka-bronze sa para cycling; food delivery rider nanorpresa
Zedrick Ivan Ho­norica
Russell Palma

TAGAYTAY City, Philippines — Isinama ni Patrick Gerard Lee ang Pilipinas sa medal board matapos ipadyak ang bronze medal sa men C5 scratch race ng para cycling sa Asian Cycling Confederation Track and Para Track Cycling championships kahapon dito sa Tagaytay CT Velodrome.

Ito ang unang medalya ng bansa sa annual championships na pinamamahalaan ng PhilCycling at ng Tagaytay City—at ang una sa continental exposure ng national para cycling team.

Nakakolekta rin ang 21-anyos na si Lee ng puntos para sa qualification sa Los Angeles 2028 Paralympics.

Nawala ang kanang braso ni Lee matapos maaksidente sa isang meat grinder sa puwesto ng kanyang tiyahin sa Marilao Market nang siya ay  5-anyos pa lamang.

Si Uzbekistan bet Azimbek Abdullaev ang kumuha sa gold medal kasunod si Japanese Ruito Kameda para sa silver.

Nakatakda pang lumaban si Lee sa Miyerkules sa event na itinataguyod ni Tagaytay City Ma­yor Brent Tolentino at suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MVP Sports Foundation, Sports Plus PH, Toyota at Peak.

Bukod kay Lee, gumawa rin ng eksena si Panda Food deli­very bike ri­der Zedrick Ivan Ho­norica matapos magtala ng bagong Philippine record sa men’s elite sprint gamit ang bisikleta niya sa trabaho.

Nagkakahalaga lamang ang bisikleta ni Ho­norica ng P14,500 kumpara sa tig-P7 milyon ng mga elite countries’ riders.

Binasag ni Honorica ang national record ng kapwa niya Marikeño na si many-time tour champion Jan Paul Morales na itinala nito sa Doha 2006 Asian Games.”

Nagtala si Honorica ng 10.865 segundo para sirain ang 20-year-old record na 11.42 segundo ni Morales.

Tumapos siya sa ika-21 sa hanay ng 22 ri­ders.

PHILCYCLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with