^

PSN Palaro

PhilCycling Road Nationals pakakawalan ngayon sa Tagaytay

Pilipino Star Ngayon
PhilCycling Road Nationals pakakawalan ngayon sa Tagaytay
Si Mark Arvin España Armendez (gitna) natayo sa podium sa nakaraang 2023 Batang Pinoy Nationals sa Tagaytay City.
PhilCycling

MANILA, Philippines — Papadyak ang PhilCycling National Championships for Road 2026 ngayong araw sa Tagaytay City tampok ang Masters category bilang bahagi ng programa at ang Men Junior category na ipapangalan sa promising rider mula sa Pangasinan.

Maagang nawala sa mundo si Mark Arvin España Armendez — ang Batang Pinoy gold medalists sa road (Vigan 2022 at Tagaytay City 2023) at National Championships (Tagaytay City 2025).

Pumanaw ang 18-anyos na si Armendez noong Enero 22 habang nangingisda gamit ang isang improvised electric devise sa sapa sa likod ng kanilang bahay sa Barangay Palina East sa Urdaneta City.

Ang mga paglalabanan sa event na inihahandog ng Standard Insurance at ng MVP Sports Foundation ay sa Men at Women Criterium, Individual Time Trial at Individual Road Race sa Youth/Junior (12-13, 14-15 at 16-17-18), Under-23 at Elite.

Magkakaroon ng pitong age groups sa Masters races ng event na suportado ng Tagaytay City sa pangunguna ni Mayor Brent Tolentino kung saan ang mga mananalo ay bibigyan ng endorsement ng PhilCycling sa Asian Cycling Confederation Road Championships at sa iba pang UCI-sanctioned races.

Ikinatuwa ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, pinuno rin ng PhilCycling, ang higit sa 300 riders na nagpalista sa event.

“This is grassroots development at work,” ani Tolentino.

Ang Nationals ay nakalinya sa isinusulong na grassroots development program ni Philippine Sports Commission chairman Patrick “Pato” Gregorio.

PHILCYCLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with