Back-to-back NBA title paghahandaan ng Thunder

OKLAHOMA CITY — Kumpiyansa si NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander na muling makakasampa ang Thunder sa NBA Finals para sa hangad na back-to-back championship sa susunod na season.
Maski na magpalakas pa ang ibang koponan.
“We definitely still have room to grow,” wika ni Gilgeous-Alexander, ang Finals MVP at scoring champion sa Oklahoma City. “That’s the fun part of this. So many of us can still get better. There’s not very many of us on the team that are in our prime or even close to it. We have a lot to grow, individually and as a group. I’m excited for the future of this team. This is a great start, for sure.”
Tinalo ng Thunder ang Indiana Pacers, 103-91, sa Game 7 ng kanilang best-of-seven championship series para angkinin ang korona.
Kumpara kay Gilgeous-Alexander, inaasahang hindi kaagad makakalaro sa susunod na season sina Tyrese Haliburton ng Indiana, Jayson Tatum ng Boston at Damian Lillard ng Milwaukee na nagkaroon ng Achilles injuries.
Bata rin ang line-up ng Thunder na may edad 23-anyos hanggang 27-anyos.
- Latest