^

PSN Palaro

Gilas tututok sa training camp

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas tututok sa training camp
Gilas Pilipinas head coach Tim Cone.
FIBA

MANILA, Philippines — Para kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, mas importante ang trai­ning camp kesa friendly games bilang bahagi ng pagha­handa nito sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.

Nakatakdang makasagupa ng Gilas Pilipinas ang Macau Black Bears sa isang tuneup game bago tumulak sa Jeddah.

“The practices are more important than the friendlies. The friendlies to me are real­ly for the fans,” ani Cone.

Bukod sa tuneup ga­mes, kailangan din ng tropa nito ng pukpukang ensayo nang magkakasama para masigurong handang-handa ito para sa FIBA Asia Cup.

“I think we kinda got away from it in our last trip to the Middle East and down to New Zealand. We weren’t as tight as we needed to be because we didn’t have any practice time before that,” ani Cone sa programang Power and Play.

Nais ni Cone na ma­panatiling fresh ang katawan ng Gilas kaya’t mas nanaisin nitong mas ma­ging maganda ang training camp.

Matatandaan sumalang sa 2nd Dubai Invitational tournament ang Gilas noong Enero bilang bahagi ng paghahanda para sa FIBA Asia Cup 2025 qualifiers.

Natalo ang Gilas sa lahat ng tatlong laro nito sa Dubai tournament.

At nang makaharap na ng Gilas ang mga kalaban nito sa FIBA Asia Cup qualifiers, natalo rin ito laban sa Chinese-Taipei at New Zealand.

Iginiit ni Cone na kaila­ngang makabuo ng che­mistry ang Gilas dahil ga­ling ang mga players nito sa magkakaibang teams.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with