Creamline, Cignal umukit ng 2-0 record sa Vigan
MANILA, Philippines — Kagaya ng Cignal HD, dalawang sunod na panalo rin ang hinataw ng Creamline sa Vigan leg ng 2025 PVL on Tour sa Chavit Coliseum sa Ilocos Sur.
Dinomina ng Cool Smashers ang Capital1 Solar Spikers, 25-10, 25-21, 25-10, pagsisimula ng pre-season tournament noong Linggo bago tinakasan ang Akari Chargers, 27-25, 22-25, 25-19, 25-18, noong Lunes para sa 2-0 record sa Pool B.
“Siyempre, happy kami dahil kahit back-to-back ‘yung games namin, kasi first time na mangyari sa amin talaga na magkasunod na araw,” ani Creamline coach Sherwin Meneses.
“Siguro marami pa kaming i-improve para magtuluy-tuloy ‘yung magandang laro namin,” dagdag nito.
Ang ikatlong sunod na panalo ang target ng Cool Smashers sa muling pagtapak sa court sa Hulyo 1 kontra sa HD Spikers sa Filoil Centre sa San Juan City.
Unang pinatumba ng Cignal ang Akari, 25-23, 25-14, 25-23, at isinunod ang Capital1, 25-21, 25-22, 25-16.
Pag-aagawan ng Creamline at Cignal ang solong liderato ng kanilang grupo na kinabibilangan din ng Capital1, Akari, Chery Tiggo at ZUS Coffee.
Nasa Pool A ang All-Filipino Cup champion Petro Gazz kasama ang Choco Mucho, PLDT, Galeries Tower, Farm Fresh at Nxled.
Sa Sabado sa Batangas City sasalang ang Flying Titans kontra sa
Highrisers at ang Gazz Angels laban sa Chameleons.
- Latest