Twice to beach
Semis na ang PBA Philippine Cup.
San Miguel Beer vs Ginebra at TNT Tropang 5G vs Rain or Shine. Parehong best-of-seven. Matira ang matibay papunta sa finals.
Sabi ni ROS coach Yeng Guiao, gatecrasher sila sa semis. Kumbaga, dehins invited sa party pero pumunta.
Dagdag pa ni coach, pinabili lang sila ng suka, pumunta pa sa semis.
Well, bigatin nga naman ang mga nandun gaya ng SMB, Ginebra at TNT.
Pero style lang ni coach ‘yan. Dehadista. Dahil sa totoo lang, sunud-sunod na rin ang semis appearance nila.
Dehins lang nga umaabot sa finals. Kaya sa tingin ko, may laban ang ROS kahit against TNT.
Ang nakakagulat dito, out ang NLEX na No. 2 sa elims at Magnolia na No. 4 matapos ang umuusok na 6-0 start.
Pareho silang twice-to-beat sa quarterfinals pero tinalo ng TNT na hinahabol ang Grand Slam at Rain or Shine.
May nakita akong post sa Facebook. Litrato ni Paul Lee at Mark Barroca na nasa beach. Dehins ko sure if dinoktor ang litrato.
Pero nakakatawa ang caption: Twice to Beach.
Alaskador talaga ang mga Pinoy.
- Latest