Friendly game ng Gilas sa Macau
MANILA, Philippines — Sasalang ang Gilas Pilipinas sa isang tuneup game laban sa Macau Black Bears bilang bahagi ng paghahanda nito para sa 2025 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia sa Agosto.
Target na ganapin ang laro sa Smart Araneta Coliseum sa huling bahagi ng Hulyo na magsisilbi na ring send-off bago lumipad ang Gilas sa Saudi Arabia.
“I think we are trying to get the Araneta Coliseum. That’s kind of a send-off for the fans before we leave,” ani Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa programang ‘Power and Play’.
Kasama sana sa plano ang tuneup game ng Gilas Pilipinas laban sa Guam national team.
May koneksiyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Guam dahil doon naglalaro si San Miguel Beer player Jericho Cruz.
“We had Guam originally coming in but something happened and it turned out that they can only meet in Jeddah. We weren’t able to bring them here. They were going to come here and then go to Jeddah, but they couldn’t do it,” wika ni Cone.
Magandang pagkakataon ang tuneup game ng Gilas kontra sa Macau Bears na armado ng malalakas na players dahil sa kanilang mga imports.
Tinalo ng Macau Bears ang Chinese national team sa isang tuneup game.
- Latest