^

PSN Palaro

HD Spikers nakauna sa PVL on Tour

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
HD Spikers nakauna sa PVL on Tour
Hinatawan ni Jackie Acuña ng Cignal HD si Ezra Madrigal ng Akari sa PVL on Tour.
PVL photo

MANILA, Philippines — Kaagad napakinaba­ngan ng Cignal HD ang mga bagong hugot na si­na Erika Santos at Tin Tiamzon sa 25-23, 25-14, 25-23 demolisyon sa Akari sa paghataw ng 2025 Premier Volleyball League (PVL) on Tour kahapon sa Chavit Coliseum sa Vigan, Ilocos Sur.

Nagtala si Santos, da­ting naglaro para sa PLDT High Speed Hitters, ng 14 points, habang may 11 mar­kers at 14 receptions si Tiamzon para sa 1-0 record ng HD Spikers sa Pool B.

“Same goal lang pero ibang team,” wika ni Santos. “Gusto ko lang talaga mag-grow as a volleyball player. Mag-aaral at hindi titigil dahil hindi naman ito natatapos sa isang game.”

Nag-ambag si Ishie La­longisip ng siyam na puntos at may walo, pito at limang marka sina Roselyn Doria-Aquino, Jackie Acuña at Gel Cayuna, ayon sa pag­ka­kasunod.

Pinamunuan naman ni Eli Soyud ang Chargers sa kanyang 12 points kasunod ang 11 markers ni Grethcel Soltones.

May siyam na puntos si Ivy Lacsina kasunod ang limang marka ni Ced Domingo.

Pupuntiryahin ng Cignal ang ikalawang sunod na ratsada sa pagsagupa sa Capital1 Solar Energy ngayong alas-4 ng hapon sa parehong venue.

Haharapin naman ng Aka­ri ang Creamline sa alas-6:30 ng gabi.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with