^

PSN Palaro

Capital1 Solar Spikers nagdagdag ng puwersa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Matapos kunin si three-time UAAP MVP Bella Belen bilang No. 1 overall pick sa nakaraang 2025 PVL Rookie Draft, nagdagdag pa ang Capital1 Solar Energy ng ilang players para sa darating na PVL season.

Hinugot ni Mandy Romero, ang co-owner ng Solar Spikers kasama ang kapatid na si Milka, sina veterans Jer­rili Malabanan at rRachel Austero kasama sina Keceryn Galdones, Nikka Yandoc at Ypril Tapia.

Naniniwala si Romero na malaki ang maitutulong ng mga bago nilang players sa pagsagupa sa mga po­werhouse teams sa PVL kagaya ng Creamline, Petro Gazz, Cignal, PLDT at Choco Mucho.

Si Malabanan, dating FEU Lady Tamaraws star na huling naglaro para sa Cignal, ang magdaragdag sa open­sa ng Capital1 bilang isang deadly opposite hitter, habang kilala naman si Austero bilang middle blocker para sa St. Benilde Lady Blazers sa NCAA.

Sina Galdones at Tapia ay naglaro para sa University of Santo Tomas Golden Tigresses sa UAAP at isang maaasahang setter si Yandoc mula sa Adamson University Lady Falcons.

Makakasama nila sa Solar Spikers sina Jorelle Singh, Syd Niegos, Roma Doromal, Leila Cruz, Iris Tolenada, May Macatuno, Shola Alvarez, Trisha Genesis, Jenya Torres, Kath Villegas, Rovie Instrella at Rica Rivera.

Bukod kay Belen, kinuha rin ng Capital1 sa PVL Rookie Draft sina middle blockers Pia Abbu ng UST sa second round at Ivy Aquino ng Asian Institute of Maritime Studies sa third round.

Dumating na ang Solar Spikers, hahawakan ni Alas Pilipinas coach Jorge Souza de Brito, sa Vigan, Ilocos Sur para sa 2025 PVL on Tour na magsisimula bukas.

BELLA BELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with