Alas men sasagupa sa Thailand
MANILA, Philippines — Lalabanan ng Alas Pilipinas men’s team ang Thailand sa 9th-11th classification round ng 2025 AVC Men’s Volleyball Nations Cup ngayon sa Isa Town, Bahrain.
Bigo ang Nationals na makasampa sa quarterfinals ng torneo nang magtala ng 0-2 record sa Pool C.
Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay minalas ang koponan na makapasok sa quarterfinals ng nasabing torneo.
Ito ang ikalawang pagtutuos ng Alas men at Thailand matapos ang kanilang bakbakan sa nakaraang Alas Pilipinas Invitationals.
Tinakasan ng mga Pinoy spikers ang mga Thai hitters via five-set victory sa nasabing mini tourney.
Muling aasahan ng tropa sina team captain Marck Espejo at rising star Leo Ordiales.
Bukod sa Alas Pilipinas ay wala ring panalo ang Thailand at New Zealand sa kanilang dalawang laro sa Pool D.
- Latest