^

PSN Palaro

De Brito malaki ang tiwala kay Belen

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
De Brito malaki ang tiwala kay Belen

MANILA, Philippines — Malaking tulong si Rookie Draft top pick Bella Belen sa magiging kampanya ng Capital1 Solar Spikers sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL).

Ito ang paniniwala ni Alas Pilipinas head coach Jorge Souza de Brito na siyang bagong mentor ng Solar Spikers.

Personal na nasaksihan ni De Brito ang husay ni Be­len dahil magkasama ang mga ito sa Alas Pilipinas na sumabak sa AVC Nations Cup sa Hanoi, Vietnam.

Magiging malaki ang papel ni Belen dahil ito ang inaasahang mangunguna sa Solar Spikers.

“It’s a big change for her – not just shifting from college to the pros, but also stepping into a new role. She’s no longer just a young player on the national team; she’s now a leader,” ani De Brito.

Malaki ang tiwala ni De Brito sa kakayahan ni Belen na may magandang pag-uugali sa loob at labas ng court.

Bukod pa rito ang soli­dong laro nito mula sa opensa hanggang sa depensa na pangunahing magiging armas nito sa kanilang mga laban.

“But I believe she has what it takes. She has the mindset, the work ethic, and the heart,” ani De brito.

Umaasa si De Brito na mas lalo pang mahuhubog ang husay ni Belen upang mas lalo pang maging mahusay ito.

Umaasa rin si De Brito na mapapalakas nito ang Solar Spikers sa kabuuan upang maging isa sa mga top contenders ang kanilang tropa.

Nangako naman si De Brito na walang magiging problema kung pagsabayin nito ang pagiging coach ng Alas at Solar Spikers.

Masusubukan agad si De Brito dahil makakasagupa ng Solar Spikers ang powerhouse teams Creamline at Cignal sa Hunyo 22 at 23 sa PVL on Tour na gaganapin sa Vigan, Ilocos Sur.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with