Mosley sinamahan si Pacquiao sa workout

MANILA, Philippines — Sa mga nakaraang taon ay nakilala si Manny Pacquiao sa pagkakaroon ng magandang relasyon sa kanyang mga nakalaban.
At isa na rito si “Sugar” Shane Mosley.
Sinamahan ng 53-anyos ngayong si Mosley, isa nang retiradong boxer, ang 46-anyos na Filipino icon sa morning workouts nito sa Griffith Park sa Los Angeles.
Naglaban ang dalawang boxing greats noong 2011 kung saan tinalo ni Pacquiao si Mosley via unanimous-decision.
Nagretiro si Mosley noong 2017, habang tatapusin ni Pacquiao ang kanyang four-year retirement para hamunin si World Boxing Council welterweight champion Mario Barrios sa July 19 sa Las Vegas (July 20 Manila time).
Humanga ang mga fans ni Pacquiao sa kanyang mga morning workouts nang simulan ang training sa City of Angels isang buwan na ang nakakalipas.
“His hand speed looks good. His foot mobility looks good,” ani Mosley sa isang video ng FightHype.com.
Sa video ay nakita sina Pacquiao at Mosley na nagpalitan ng fist bumps at high fives at sabay na nag-shadow boxing.
Sa isa pang video ay nagbigay si Mosley ng training advice kay Pacquiao.
“Well, I think that Oscar (Dela Hoya) kind of said it too like ‘we’re not 20 or whatever years old, so you have to give your body time to rest.’… Sometimes we don’t want don’t want to rest, and that can harm you. So you have to give yourself time to recover,” ani Mosley.
Sa kabila ng pagiging underdog ni Pacquiao laban sa mas malaki at mas batang si Barrios ay pumanig pa rin si Mosley kay ‘Pacman’.
“I think that it’s a very strong possibility he wins the world title,” wika ni Mosley na nagretirong may 49-10-1-1 (41 knockouts) card.
- Latest