Alas bigo sa Pakistan sa AVC

MANILA, Philippines — Kabiguan ang bumulaga sa Alas Pilipinas men’s national volleyball team matapos ang 18-25, 12-25, 25-18, 22-22 pagyukod sa Pakistan sa una nilang laban sa AVC Men’s Nations Cup noong Martes ng gabi sa Manama, Bahrain.
Pumalo si Leo Ordiales ng 22 points mula sa 15 kills, limang blocks at dalawang service aces para pamunuan ang mga Pinoy spikers habang may tig-10 markers sina Buds Buddin at Steven Rotter.
Malaking epekto sa laro ng Alas men’s squad ang pagkakaroon ni veteran Marck Espejo ng isang left ankle injury sa first set kung saan nanaig ang mga Pakistani, 25-18.
Sa kabila ng pag-upo ni Espejo sa bench ay nakahirit pa rin ang Nationals ng 25-18 panalo sa third frame sa pagbibida ni Ordiales.
Sunod na lalabanan ng Alas Pilipinas men ang Chinese Taipei kagabi.
- Latest