^

PSN Palaro

Eala sibak agad sa Nottingham

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tila hindi pa nakakaagapay si Alex Eala sa grass court matapos maagang masibak sa 2025 Nottingham Open na ginaganap sa Great Britain.

Bigo na naman sa kanyang unang pagsalang sa main draw ang Pinay netter nang lumasap ito ng 4-6, 3-6 pagkatalo sa kamay ni sixth seed Magda Linette ng Poland sa opening round.

Maganda naman ang simula ni Eala na agad na nagpasabog ng 3-0 run sa first set.

Subalit hindi nito nakayanan ang mala­kas na pagresbak ni Linetter na umarangkada ng sariling 6-1 run para makuha ang 1-0 bentahe sa pagtatapos ng first set.

Inilabas pa ni Linette ang malalim nitong karanasan sa second set kung saan hindi na nakaporma pa si Eala para tuluyang makuha ang panalo.

Mas mataas ang world ranking ni Linette na kasalukuyang nasa No. 31 sa WTA — malayo sa No. 76 na puwesto ni Eala.

Hindi nasundan ni Eala ang magandang ratsada nito sa qualifying round kung saan isa-isa nitong pinataob sina French Varvara Gracheva sa first round sa iskor na 6-3, 3-6, 6-3 at Anca Todoni ng Romania sa final round sa bendisyon naman ng 6-3, 6-7(4), 6-3.

Ang pagsabak ni Eala sa Nottingham Open ay bahagi ng paghahanda nito para sa ikatlong Grand Slam ng taon — ang Wimbledon Championships na gaganapin sa London.

GREAT BRITAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with