Pacquiao patutulugin si Barrios—Fortune

MANILA, Philippines — Limang taon na ang nakalilipas ay si World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario Barrios ang dapat sana ay magandang kalaban ni Manny Pacquiao.
Isang six-footer at hindi mahusay ang footwork, si Barrios ay ang klase ng boksingerong inaasahang paglalaruan ni Pacquiao sa kanyang kapanahunan.
Binugbog ng 5-foot-5 na si Pacquiao ang mga mas malalaki niyang kalaban ngunit mga flat-footed kagaya nina Oscar De La Hoya at Antonio Margarito.
Ipinakita ng Filipino icon ang bilis ng kanyang mga kamay bukod sa magandang footwork para paliguan sila ng mga suntok.
Ngunit matagal na iyon at ngayon ay isa nang 46-anyos na boksingero si Pacquiao at hindi lumaban sa nakaraang apat na taon.
Ang pinakahuli niyang laban ay ang isang unanimous decision lost noong 2021 kay Cuban Yordenis Ugas, isang 5-foot-9 fighter na sakto sana sa istilo ni Pacquiao.
Kaya tatayong underdog ang Filipino icon kontra sa mas batang si Barrios sa kanilang suntukan sa Hulyo 19 sa MGM Grand sa Las Vegas.
“Listen, on the mitts and bags, they don’t punch back, but he (Pacquiao) looks the same as he did six or seven years ago. He hasn’t missed a beat,” wika ni longtime strength and conditioning coach Justine Fortune kay ‘Pacman’.
Si Fortune ang namamahala sa mga workouts ni Pacquiao sa Los Angeles.
Minaliit niya ang depensa ng 30-anyos na si Barrios.
“Barrios gets hit a lot, and (Pacquiao is) the last person you want to get hit a lot by. He (Barrios) puffs a lot. Once you puff up, once you swell up and this guy (Pacquiao) hits you in the head, he starts a cut,” ani Fortune.
“I think it’s a stoppage. It won’t go the distance,” dagdag nito.
- Latest