^

PSN Palaro

Tatlong malalaking events sa Olympic Day at World Bicycle Day

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong malaking okas­yon ang nakatakdang i­daos sa Hunyo 23 para sa pinagsamang pagdiriwang sa Olympic Day at World Bicycle Day sa Tagaytay City.

Ito ay ang makasaysayang Baguio City to Tagaytay road classic, ang pormal na paglulunsad sa unang indoor velodrome sa bansa at ang paglagda ng pangako ng mga Olympic Solidarity scholars.

“This is a historic first not only for the Olympic Movement but also for Philippine cycling,” wika ni Abraham “Bambol” Tolentino, presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) at PhilCycling at Mayor ng Tagaytay City, sa pagdiriwang din sa Hunyo 21 ng 87th charter day.

Una, ayon kay Tolentino, ay ang one-day road race mula sa Camp John Hay sa Baguio City hanggang sa finish line sa harap ng bagong Tagaytay City Velodrome sa Crisanto de los Reyes Avenue.

Ikalawa ay ang pormal na paglulunsad sa bagong track facility—isang International Cycling Union (UCI)-standard 250-meter indoor at wooden velodrome—at ang ikatlo ay ang pagpirma ng mga Olympic Solida­rity scholars sa iba’t ibang sports sa kanilang kontrata sa gabay ng POC.

“It’s a celebration and per­haps, it’s the most unique in the world,” ani Tolentino.

Ang Baguio-Tagaytay classic ng PhilCycling ay tatakbo sa kabuuang 288 kilometro at dadaan sa mga major expressways—TPLEX, SCTEX, NLEX, Slyway, SLEX at CALLAX—tampok ang top 30 finishers sa nakaraang MPTC Tour of Luzon.

“It’s all about speed and endurance,” ani Tolentino na pinasalamatan ang pagtulong nina sports patrons at business tycoons Manuel V. Pangilinan at Ramon S. Ang at ng MPTC, San Miguel Corp. Infrastructure, Camp John Hay at Duckworld PH para sa milestone classic.

Ang Tagaytay City Velodrome ang magiging simula ng pagbuhay sa Philippine track cycling—isang cycling discipline na nag-aalok ng maraming gold medals sa 10 events para sa men at women.

“We have confirmed our participation in the track events of cycling at the Southeast Asian Games in Thailand this December,” sabi ni Tolentino. “This is to get the wheels rolling for the new velodrome which we anticipate to be one of the velodrome hubs in Asia.”

Magsasalang ang PhilCycling ng mga men at women riders sa omnium event sa 33rd edition ng SEA Games na pamamahalaan ng Thailand sa Disyembre.

OLYMPIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with