Eala swak sa quarterfinals ng IIkley Open
MANILA, Philippines — Sumampa si Pinay netter Alex Eala sa quarterfinals ng WTA 125 Ilkley Open matapos dominahin si Valentina Ryser ng Switzerland, 6-1, 6-2, kahapon sa Great Britain.
Ang WTA No. 77 na si Eala ang top seed sa nasabing grass-court tournament.
Nakatakdang labanan ng 20-anyos na Pinay netter sa quarterfinals ang mananalo sa laban nina Rebecca Marino ng Canada at Emily Appleton ng UK.
Nagmula si Eala sa four-match losing slump sa nakaraan niyang apat na torneong sinalihan, kasama rito ang kabiguan sa French Open main draw.
Nakabawi rin si Eala sa No. 230 na si Ryser na tumalo sa kanya sa nakaraang Trnava 2 sa Slovakia para sa 2-1 abante sa one-on-one record nila.
- Latest