^

PSN Palaro

NLEX diniskaril ng NorthPort

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NLEX diniskaril ng NorthPort
Iniskoran ni forward Cade Flores ng NorthPort si JB Bahlo ng NLEX.
PBA Image

MANILA, Philippines — Diniskaril ng talsik nang NorthPort ang paglapit ng NLEX sa No. 1 spot sa quarterfinals matapos ta­ngayin ang 113-108 panalo sa PBA Season 49 Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Humakot si power forward Cade Flores ng career-high 26 points bukod sa 15 rebounds para sa 2-8 record ng Batang Pier at wakasan ang kanilang walong dikit na kamalasan.

“Palagi naman nire-remind sa amin ng coaching staff, especially ni coach Bonnie (Tan), to play hard every game,” ani NorthPort assistant coach Rensy Bajar. “Kung ano iyong mayroon kaming players, iyon ang inilalaban namin this conference.”

Nagdagdag si Fran Yu ng 21 markers, kasama ang layup sa huling 12.1 segundo ng fourth period para sa kanilang 112-108 abante, kasunod ang 19 points ni Calvin Abueva.

“Iyon ang nakita namin sa kinaibahan sa mga past games namin, iyong wil­lingness to win. Iyon ang nangyari ngayon,” dagdag ni Bajar.

Napigilan ang two-game winning run ng Road Warriors para sa kanilang 8-3 baraha na umudlot sa pagdikit sa top spot sa eight-team quarterfinals.

Kung mananalo ang San Miguel (7-2) sa huli nilang dalawang laro kontra sa Converge (6-4) at NorthPort (2-8) ay sila ang kukuha sa No. 1 seat kasagupa ang uupo sa No. 8 spot sa quarterfinals.

Ang Top Four teams ang may ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 54-46 halftime lead ng NLEX ay kumamada ang NorthPort sa third period para agawin ang 76-71 abante patungo sa 86-76 kalamangan sa pagsasara nito.

Huling nakadikit ang Road Warriors sa 108-110 sa nalalabing 31.0 segundo sa fourth quarter galing sa dalawang free throws ni Robbie Herndon.

Pinamunuan ni Herndon ang NLEX sa kanyang 21 points.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with