Thunder uulit sa Pacers sa Game 3

INDIANAPOLIS — Sa NBA Finals statistics, ang nananalo sa Game 3 ay 80.5 porsiyentong nagtutuloy sa pag-angkin sa titulo.
Tumabla ang Oklahoma City Thunder sa 1-1 matapos kunin ang 123-107 panalo sa Game 2 para makabangon mula sa naunang 110-111 kabiguan sa Indiana Pacers sa Game 1.
Ito ang sasakyan ngayon ng tropa ni NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander.
“I think we just have to keep finding ways to get better as a group,” sabi ni Gilgeous-Alexander. “If we continue to do that, we’ll be just fine. If we’ve struggled in an area, that’s an area we can get better at. We have to attack that opportunity. I think Game 3 is a perfect example of that.”
Inaasahan ni Thunder coach Mark Daigneault na babangon ang Pacers para maagaw ang 2-1 sa kanilang best-of-seven championship series.
“That’s one thing we have to be ready for coming in here, is understand they’re going to be playing with a lot of energy,” ani Daigneault. “They play very well here. They play very comfortable here. We’ve got to level up to that if we want to give ourselves a chance to compete.”
May 4-3 record ang Oklahoma City sa kanilang mga road games sa playoffs kumpara sa 7-3 marka ng Indiana.
Paika-ikang lumakad si Pacers guard Tyrese Haliburton matapos ang kabiguan sa Thunder sa Game 2 at tiniyak na maglalaro sa Game 3.
Si Haliburton ang nagpanalo sa Indiana kontra sa Thunder sa Game 1 mula sa kanyang game-winning jumper.
- Latest