^

PSN Palaro

4-peat dale ng CSB

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sapol ng College of Saint Benilde ang four-peat matapos nilang kalusin ang Letran, 25-19, 25-22, 25-19 sa Game 2 ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament finals na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan, kahapon.

Pinangunahan nina season Most Valuable Player Francis Mycah Go at Zamantha Nolasco ang atake ng Lady Blazers upang walisin sa best-of-three ang Lady Knights.

Maganda ang pagtatapos ng collegiate career ng graduating student na si Go dahil siya rin ang nahirang na Finals MVP kaya babaunin niya ang kanyang tagumpay sa susunod na phase na kanyang lalaruin.

Tumikada sina Go at Nolasco ng tig-siyam na puntos pero si Clydel Mae Catarig ang Best Player of the Game matapos magtala ng 11 markers mula sa 10 attacks at isang block para sa CSB na pinahaba ang kanilang pamamayagpag.

Pinamunuan ni Cristy Ondongan ang opensa ng Taft-based squad sa nire­histrong 13 points kasama ang 10 kills, dalawang blocks at isang service ace.

Nagsimula ang title run ng Lady Blazers sa Season 97 noong 2022.

Ipinakita rin ng Lady Knights ang kanilang lakas pero mas naging determinado ang Lady Blazers para manatili ang korona sa kanilang bakuran.

Pasimuno sa opensa para sa Letran ang Season 100 Rookie of the Year na si Sheena Vanessa Sarie sa tinikadang 12 markers, mula sa 10 spikes at dalawang blocks pero hindi sapat para maipanalo ang Letran.

Ibinigay din kay Sarie ang Freshman of the Year at nakasama niya si Go bilang Best Outside Hitters.

Samantala, ang iba pang individual awar­dees ay sina Best Middle B­lockers Nolasco at Kristine Dio­nisio (San Sebastian), Best Opposite Hitter Narie Judiel Nitura (Letran), Best Libero, Lara Mae Silva (Letran) at Best Setter, Catherine Do­masig (Arellano).

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with