SGA, OKC nirapido ang Minnesota

OKLAHOMA - Kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 38 points matapos hirangin bilang NBA Most Valuable Player para gabayan ang Thunder sa 118-103 pagrapido sa Minnesota Timberwolves sa Game 2 at itayo ang 2-0 lead sa kanilang Western Conference finals series.
Nagsalpak si Gilgeous-Alexander ng 13-of-15 free throws sa gabing tinanggap niya ang MVP trophy mula kay Commissioner Adam Silver bago ang laro.
“I feel like all my emotions were so high, but I was a little bit tired out there, especially at the start,” ani Gilgeous-Alexander. “I was a little too juiced up. Special moment. I’m happy we won so I can really enjoy the last couple days and soak it up. That really helps.”
Nagtala si Jalen Williams ng 26 points at 10 rebounds at may 22 markers si Chet Holmgren para sa ikalawang sunod na panalo ng Oklahoma City sa kanilang best-of-seven series ng Minnesota.
Ipinasok ni Gilgeous-Alexander ang isang three-pointer sa huling 16 segundo sa first half at isinalpak ang dalawang free throws sa nalalabing tatlong segundo para ibigay sa Thunder ang 58-50 abante.
Ang lob pass ni Cason Wallace kay Holmgren para sa kanyang two-handed jam sa isang fast break play ang naglayo sa Oklahoma City sa 82-65 sa dulo ng third quarter.
- Latest