^

PSN Palaro

Road Warriors ‘di mapigilan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Road Warriors ‘di mapigilan
Sumalaksak si NLEX guard Robert Bolick laban sa Con- verge.
PBA Image

MANILA, Philippines —  Humarurot ang NLEX sa kanilang ikaanim na sunod na panalo matapos patumbahin ang Converge, 88-83, sa Season 49 PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagkadena si Robert Bolick ng 19 points, 10 assists at 7 rebounds para itaas ang kartada ng Road Warriors sa 6-1 kasosyo ang Magnolia Hotshots sa liderato.

Nagdagdag si rookie Xyrus Torres ng 18 markers habang may tig-10 points sina Anthony Semerad at Javee Mocon para sa mainit na arangkada ng tropa ni coach Jong Uichico at palakasin ang tsansa sa outright quarterfinals spot.

Binanderahan ni Justine Baltazar ang FiberXers sa kanyang 21 points at may 17, 16 at 12 markers sina Alec Stockton, Schonny Winston at Justin Arana, ayon sa pagkakasunod.

Nagsalpak si Bolick ng mahahalagang puntos sa dulo ng fourth quarter para iligtas ang NLEX sa pagbangon ng Converge na bigong mailista ang ikalawang sunod na panalo para sa 5-4 baraha.

Inilista ng NLEX ang 52-42 halftime lead bago ito palobohin sa 16-point lead, 76-60, sa third quarter.

Sa likod nina Baltazar, Stockton at Arana para idikit ang FiberXers sa final canto.

Ngunit hindi nagpapigil si Bolick at ang NLEX para sikwatin ang panalo.

Samantala, lalabanan ng Magnolia ang NorthPort ngayong alas-7:30 ng gabi sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.

Pipilitin ng Hotshots na makabangon mula sa 105-119 kabiguan sa Rain or Shine Elasto Painters sa huli nilang laro para sa hangad na masikwat ang unang quarterfinals ticket.

We will experience all the challenges this confe­rence,” ani coach Chito Victolero. “So we need to go back again to basic and work hard in preparation for our next game.”

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with