Haliburton, Pacers lusot sa Knicks sa OT

NEW YORK — Isinalpak ni Tyrese Haliburton ang panablang jumper sa pagtatapos ng regulation patungo sa 138-135 overtime win ng Indiana Pacers sa Knicks sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference finals showdown.
Tumapos si Haliburton na may 31 points at 11 assists at may 30 markers si Aaron Nesmith tampok ang 8-for-9 shooting sa three-point range para sa 1-0 lead ng Indiana sa kanilang best-of-seven series ng New York.
Nakatakda ang Game 2 bukas.
“It’s always special. It’s always fun,” ani Nesmith. “This is what we live for.”
Kinuha ng Knicks ang 14-point lead sa huling dalawang minuto ng fourth quarter bago nagsalpak si Nesmith ng magkakasunod na 3-pointers para ibangon ang Pacers.
Lamang ang New York sa 125-123, ipinasok ni Haliburton ang akala niyang game-winning triple para sa Indiana sabay ang pagpapakita ng ‘choke sign’.
Ngunit nakita sa replay na tumapak sa linya si Haliburton at ito ay isa lamang 2-pointer na nagresulta sa 125-125 tabla para sa overtime period.
Bumira sina Andrew Nembhard at Obi Toppin sa extra period para selyuhan ang panalo ng Pacers.
Bumira si Jalen Brunson ng 43 points sa panig ng Knicks, habang tumipa si Karl-Anthony Towns ng 35 points at 12 rebounds.
Hindi kinaya ng New York na hawakan ang malaki nilang kalamangan nang maupo si Brunson sa bench dahil sa foul trouble sa fourth quarter.
“Give them a lot of credit. They closed the game out like they’ve been doing all playoffs,” wika ni Brunson sa Indiana. “Just not really good on our part.”
Samantala, target ng Oklahoma City Thunder na maitayo ang 2-0 lead sa kanilang Western Conference finals series ng Minnesota Timberwolves.
Tinalo ng Thunder ang Timberwolves, 114-88, sa Game 1.
- Latest