^

PSN Palaro

Blackwater nakuryente sa Meralco

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blackwater nakuryente sa Meralco
Chris Newsome.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinapos ng nagdede­pen­sang Meralco ang ka­ni­lang kamalasan nang ba­­sagin ang Blackwater, 103-85, sa Season 49 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Pingilan ng Bolts ang da­lawang sunod na ka­bi­gu­an para itayo ang 4-5 ba­raha, habang lugmok ang Bossing sa 1-5 kasama ang three-game losing skid.

Ipinagdiwang ng Meralco ang pagiging ika-99 mi­yembro ni Chris Newsome sa PBA 5,000-point club.

Tumapos si Newsome na may 19 points at may 14, 13, 12 at 10 mar­kers si­­na CJ Cansino, Chris Ban­­chero, Toto Jose at Bran­don Bates, ayon sa pag­­kakasunod.

“This is a game that we needed to get,” sabi ni coach Luigi Trillo. “It’s going to be like knockout games everytime.”

Pinamunuan ni Christian David ang Blackwater sa kanyang 24 kasunod ang 23 markers ni Cedrick Barefield.

Mula sa 22-18 abante sa first period ay umarangkada ang Bolts sa second quarter para iwanan ang Bossing sa halftime, 52-39.

Sa likod nina David at Barefield ay nakalapit ang Blackwater sa 51-56 sa third quarter.

Ngunit bumida si Cansino para muling ilayo ang Meralco sa 84-62 sa pagbungad ng fourth canto.

Ang drive ni Cansino ang nagbigay sa Bolts ng isang 22-point lead, 97-75, sa huling 4:46 minuto.

Isinilbi ni forward Cliff Hodge ang kanyang one-game suspension.

BLACKWATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with