Rematch, please...
Humarap si Charly Suarez sa media nung Linggo at iginiit ang kanyang hiling: immediate rematch kay Emmanuel Navarrete ng Mexico.
Walang paki si Suarez kung ma-reverse ang mapait na decision sa laban nila or ma-declare na no contest basta bigyan siya ng rematch laban sa WBO junior featherweight champion.
Kahit siya daw ang nanalo sa laban na ginanap sa California, bibigyan niya ng rematch si Navarrete dahil nag-enjoy daw siya sa laban.
Well, nag-enjoy nga lahat. Sa resulta lang tayo hindi nag-enjoy dahil sa tingin ng boxing world, panalo dapat si Suarez.
“Panalo tayo sa lahat. Sa referee lang hindi,” ang sabi ni Manong Chavit. “Na-Mafia tayo sa America.”
Trulili.
Kaya ang hiling ni Charly, immediate rematch. Pero baka matagalan dahil sa laki ng putok sa taas ng kaliwang mata ni Navarrete.
Again, left straight ni Suarez at hindi headbutt ang nag-cause ng putok. Sa lahat ng replay at slo-mo videos, kitang kita ang suntok.
‘Wag sana umiwas si Navarrete sa rematch at umakyat sa 135 pounds from 130 dahil baka hindi na siya kaya habulin ni Suarez sa lightweight division.
Besides, walang pera si Navarrete kung aakyat siya at i-vacate niya ang titulo. Kung papayag siya sa rematch kay Suarez, siguradong patok ang laban.
At kung manalo si Suarez, pwede pa sila mag third fight.
Everybody happy.
- Latest