^

PSN Palaro

Dininig ang panalangin ni Guiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dininig ang panalangin ni Guiao
Rain or Shine coach Yeng Guiao.

MANILA, Philippines — Bago labanan ang Magnolia noong Linggo ay nanalangin si Rain or Shine coach Yeng Guiao.

“Alam naming wala pa silang talo, so we’re just hoping na sa sobrang ganda ng nilalaro nila, baka isang araw, mamalasin sila. Matapat sana sa araw na kalaban namin,” ani Guiao.

Dininig ang dasal ni Guiao na nagresulta sa 119-105 pagrapido ng Elasto Painters sa Hotshots para palakasin ang tsansa sa quarterfinals ng Season 49 PBA Philippine Cup.

Kasabay ng paglalatay sa unang talo ng Magnolia matapos magtayo ng 6-0 record ay ang pagpapaganda ng Rain or Shine sa kanilang kartada sa 4-2.

Kumonekta ang Elasto Painters ng 15 three-point shots para rapiduhin ang Hotshots na nagsalpak ng pitong triples.

“Mabuti na lang medyo ganoon nga, medyo minalas sila. Tapos maganda ang shooting namin. We’re making our three-point shots,” sabi ni Guiao.

Umiskor si Adrian Nocum ng 20 points para sa Rain or Shine habang may 17 points, 13 rebounds at 3 blocks si Leonard Santillan.

“Before practice, nag-e-extra (work) talaga ako. Pinagtatrabahuhan ko ‘yong shooting ko. Sa practice, nandoon naman ang intensity namin lagi para masanay kami sa laro,” wika ni Santillan.

Sunod na lalabanan ng Elasto Painters ang TNT Tropang 5G bukas sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang top four teams sa quarterfinals ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ incentive na habol ng Rain or Shine.

Kasalukuyang sumasakay ang Tropang 5G sa three-game winning streak matapos ang 0-3 panimula.

Ngunit hindi maglalaro si Rey Nambatac sa pagsagupa ng TNT sa RoS matapos magkaroon ng groin injury sa kanilang 101-84 panalo sa Meralco.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with