^

PSN Palaro

Donaire gaya-gaya kay Pacman

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahang pagbabalik ni dating world eight-division champion Manny Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring, gusto ring muling lumaban ni ring legend Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr.

Hindi naitago ng 42-anyos na si Donaire, nagretirong bitbit ang 42-8-0 win-loss-draw ring record tampok ang 28 knockouts, ang kasabikang muling makipagsuntukan para sa tsansang muling maging isang world champion.

“Watching the fight made me want to be in the ring again,” sabi ni Donaire matapos panoorin ang eight-round TKO win ni Japanese Naoya Inoue (30-0-0, 27 KOs) kay Ame­rican Ramon Cardenas (26-2-0, 14 KOs) para sa undisputed super bantamweight crown sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nagkampeon ang tubong Talibon, Bohol na si Donaire sa flyweight, super flyweight, bantamweight, super bantamweight at featherweight divisions.

Huli siyang lumaban noong Hulyo 29, 2023 kung saan siya natalo kay Mexican Alexandro Santiago (28-5-5, 14 KOs) via unanimous decision para sa bakanteng World Boxing Council bantamweight title.

Kung babalik siya sa aksyon ay gustong hamunin ni Donaire ang 29-anyos na dating world bantamweight champion na si Takuma Inoue, ang kapatid ni Naoya.

Ang laban ni Donaire kay Naoya noong 2019 ay hinirang na Ring Magazine Fight of the Year.

Samantala, itinakda ang paghahamon ng 46-anyos na si Pacquiao (68-8-2, 39 KOs) kay Ame­rican WBC welterweight titlist Mario Barrios (29-2-1, 18 KOs) sa Hulyo 19 sa Las Vegas, Nevada.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with