^

PSN Palaro

Mapua ibibida si Garcia kontra Baste

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Mapua University ang panguna­hing sandata nila sa opensa na si Freighanne Seanelle Garcia upang masikwat ang panalo sa San Sebastian College-Recoletos at mapalapit sa tuktok ng team standings ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament.

Humarurot ang opensa ni Garcia nang kalusin ng Mapua ang JRU sa huli nilang laro at lista ang 10-5 karta para sa solo third place.

Kaya asahang mu­ling huhugot ng puwersa ang Mapua kay Garcia sa pagharap nila sa Lady Stags ngayong alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan, pagkatapos ng bakbakan ng San Beda at Jose Rizal sa alas-11 ng umaga.

Bukod sa pagpapa­lakas ng kapit sa magic four, nais din ng Lady Cardinals na makakuha ng twice-to-beat incentives sa semifinals.

At dahil 13-2 ang nasa unahan na Letran at 12-2 ang karta ng No. 2 na defending champion College of Saint Benilde ay asa­hang itotodo ng Mapua ang kanilang laro para mas makalapit ng todo sa top two teams na nabanggit.

Makakatuwang ni Garcia sina Raissa Janel Ricablanca, Gregchelle Grace Cabadin, Therese Ila para makuha ng Mapua ang panalo.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with