Game plan para sa FIBA Asia Cup ikinakasa na
MANILA, Philippines — Ikinakasa na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang magiging preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa 2025 FIBA Asia Cup na idaraos sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.
Magiging gipit sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos dikit ang pagtatapos ng PBA Philippine Cup at ang pagsisimula ng FIBA Asia Cup.
Matatapos sa Hulyo 27 ang Philippine Cup habang aarangkada naman ang FIBA Asia Cup sa Agosto 5.
Karamihan sa mga mi-yembro ng Gilas Pilipinas ay nasa PBA ranks.
Kaya naman pinaplan-tsa na ng SBP ang magi-ging schedule ng Gilas para masigurong handang-handa ito bago sumabak sa matinding laban.
Una na rito ang training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna na kadalasan nang ginagawa ng Gilas sa tuwing sasabak ito sa anumang international tournaments.
Dahil sa maiksing panahon, nais na lamang ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na gugulin sa Maynila ang training camp nito.
Inihahanda rin ang tuneup games — isa sa Maynila at isa sa Jeddah — na makatutulong naman para sa chemistry ng Gilas sa loob ng court.
Plano rin ng SBP na umalis ang buong delegasyon sa Agosto 1 o 2 para makaagapay sa weather sa Jeddah na inaasahang magiging mainit sa mga panahon ng Agosto.
Pumapalo sa 39 degrees ang init tuwing Agosto sa Jeddah.
“We will probably leave around August 1 or 2 to acclimatize ourselves in Jeddah, Saudi Arabia and be better prepared,” ani SBP executive director Erika Dy.
Optimistiko ang SBP na hindi magiging problema ang chemistry dahil ito ay ang parehong Gilas pool na sumasabak na sa mga international tournaments.
Hindi tulad ng mga nakalipas na lineup na pabago bago ang mga players.
- Latest