Taduran pangarap maging undisputed champion

MANILA, Philippines — Ang pagiging Pinoy undisputed mini flyweight champion ang pangarap ni Pedro Taduran sa kanyang professional boxing career.
Mangyayari ito kung matagumpay niyang maidedepensa ang suot na International Boxing Federation (IBF) crown laban kay Japanese challenger Ginjiro Shigeoka sa Mayo 24 sa Osaka, Japan.
At kung makakasagupa niya ang sinuman sa kanyang kababayang si Melvin Jerusalem at Puerto Rican na si Oscar Collazo.
Kasalukuyang hawak ni Jerusalem ang World Boxing Council (WBC) belt habang bitbit ni Collazo ang mga World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Association (WBA) titles matapos talunin si Thai Knockout CP Freshmart via seventh-round TKO.
“Posible pong magkalaban kami, kasi kung sinong manalo laban doon kay Collazo, posible po talaga may mag-undisputed champion sa amin,” wika ni Taduran kay Jerusalem.
Nakatakdang idepensa ng 28-anyos na si Taduran (17-4-1, 13 knockouts) ang kanyang hawak na IBF mini flyweight crown sa 25-anyos na si Shigeoka (11-1-1, 9 KOs) sa kanilang rematch sa Mayo 24 sa Osaka, Japan.
Nauna nang tinalo ng tubong Libon, Albay ang Japanese fighter via ninth-round TKO win noong Hulyo ng nakaraang taon.
Bumiyahe na kahapon ng umaga patungong Osaka sina chief trainer Carl Peñalosa Jr. at Taduran.
- Latest