Alex Eala, Coco Gauff nagpasalamat sa fans

MANILA, Philippines — Tuluyan nang natuldukan ang kampanya nina Alex Eala at Coco Gauff sa Italian Open women’s doubles sa Rome, Italy.
Ngunit mananatili ang nasimulang pagkakaibigan nina Eala at Gauff na posibleng muling magtambal sa mga susunod na torneo ng WTA.
Masaya si Gauff na nakapares nito si Eala na maganda rin ang inilaro sa buong panahon ng kanilang ratsada.
“She’s super great, super fun. She plays really aggressive doubles which is something that I like. I’m really happy. I knew how she played on singles but you never know how people are going to play on doubles,” ani Gauff.
Nagpasalamat ang dalawa sa lahat ng sumuporta sa kanilang laban mula umpisa hanggang sa dulo.
“Thank you guys for all the support. Super happy to be playing with Alex and hope you guys keep supporting us,” ani Gauff.
Dahil sa magandang samahan, pinangalanan sina Eala at Gauff ng Team Coachella.
Subalit hiniling ng dalawa na humanap ng bagong pangalan para sa kanilang tambalan.
‘We don’t like Team Coachella so pick a new name,” pabirong sabi ni Gauff.
Sinang-ayunan naman ito ni Eala.
- Latest