Batang Pier isinalya ng FiberXers; Hodge pinatawan ng P100K multa

MANILA, Philippines — Lalo pang inilaglag ng Converge ang NorthPort matapos ang 111-92 panalo sa Season 49 PBA Philippine Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Kumolekta si Alec Stockton ng season-high 33 points bukod sa 3 rebounds at 3 assists para sa 6-3 record ng FiberXers.
Bagsak ang Batang Pier sa pang-limand dfikit na kamalasan para sa 1-5 baraha kasama ang Terrafirma Dyip sa ilalim.
“It’s a good bounce-back win for us. Somehow bumalik kami on how we want to play our game,” sabi ni Converge coach Franco Atienza makaraan ang naunang kabiguan sa Barangay Ginebra.
Samantala, pinagmulta ng PBA si Meralco forward Cliff Hodge ng P100,000 bukod sa one-game suspension dahil sa pag-wrestling kay Zavier Lucero ng Magnolia noong Miyerkules.
Nangyari ang flagrant foul ni Hodge kay Lucero sa huling 2:16 minuto ng laro kung saan angat ang Hotshots sa Bolts sa 117-92.
Multang P20,000 at suspensyon ang ipinataw kay Magnolia assistant coach Mon Jose dahil sa pag-heatbutt kay Hodge.
- Latest