^

PSN Palaro

Warriors sibak sa T-Wolves

Pilipino Star Ngayon
Warriors sibak sa T-Wolves
MINNEAPOLIS, MINNESOTA - MAY 14: Gary Payton II #0 of the Golden State Warriors defends Julius Randle #30 of the Minnesota Timberwolves during the second half in Game Five of the Western Conference Second Round NBA Playoffs at Target Center on May 14, 2025 in Minneapolis, Minnesota. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and or using this photograph, User is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement.
Ellen Schmidt/Getty Images/AFP

MINNEAPOLIS — Kumamada si Julius Randle ng 29 points sa 121-110 pagsibak ng Minnesota Timberwolves sa Golden State Warriors sa Game 5 ng kanilang Western Conference semifinals showdown.

Naglista si Anthony Edwards ng 22 points at 12 assists sa 4-1 pagtapos ng Timberwolves sa kanilang semis showdown ng Warriors papasok sa conference finals katapat ang mananalo sa semis series ng Denver Nuggets at Oklahoma City Thunder.

Bumira si Brandin Podziemski ng playoff career-high 28 points para sa Golden State.

Nag-ambag si Jonathan Kuminga ng 26 mar­kers para sa Warriors na nakabangon mula sa isang 25-point deficit sa third period para makalapit sa 90-99 sa 7:11 minuto ng fourth quarter.

Ngunit nag-init ang mga kamay ni Edwards para tulungang makalayo ang Minnesota.

Sa Boston, bumanat si Derrick White ng 34 points, tampok dito ang pitong three-pointers, para igiya ang nagdedepensang Cel­tics sa 127-102 panalo sa Game 5 para makaiwas sa pagkakasibak sa New York Knicks sa kanilang Eastern Conference semifinals series.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with