Lady Altas magpapalakas para sa F4
MANILA, Philippines — Nasa pang limang puwesto ang University of Perpetual Help System Dalta pero malaki pa rin ang tsansa nitong makapasok sa top four at posible pang makakuha ng twice-to-beat incentive sa semifinals ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament.
Kaya nasa isip ng Lady Altas na kaldagin ang San Sebastian College-Recoletos ngayong alas-12 ng tanghali sa Emilio Aguinaldo College Gym.
Tangan ang 8-5 record, kakapitan ng UPHSD sina Camille Bustamante, Shaila Allaine Omipon at Winnie Bedana upang sikwatin ang panalo sa Lady Stags at makapasok sa magic four.
Solo sa top spot ang Letran na may 12-2 card, nasa pangalawang puwesto ang defending champion College of Saint Benilde na may 11-2 karta.
Samantala, maglalaban sa alas-2:30 ng hapon ang league leader Lady Knights at Lady Chiefs.
- Latest