^

PSN Palaro

Belen, NU nagningning, kampeon sa UAAP Season 87

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Belen, NU nagningning, kampeon sa UAAP Season 87
Pinangunahan ni Bella Belen, hinirang na Season MVP at 1st Best OH ang mga awardees sa UAAP Season 87 women’s volleyball kasama sina Angel Canino 2nd Best OH, Amie Provido 1st Best MB, Niña Ytang 2nd Best MB, Shevana Laput Best Opp, Lams Lamina Best Setter, Lyka De Leon, Best Libero at Shaina Nitura Rookie of the Year.
Kuha ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Bongga ang exit ni three-time Most Valuable Player Mhicaela “Bella” Belen sa collegiate career matapos akbayan ang National University sa 25-19, 25-18, 25-19 panalo kontra De La Salle University sa Game 2 best-of-three finals ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Maningning ang hu­ling season ni Belen dahil bukod sa kampeonato ay nahirang itong Season MVP kaya naman masaya nitong lilisanin ang eskuwe­lahan.

Tumikada si Belen ng 18 points upang tulungan ang Lady Bulldogs na sikwatin ang back-to-back titles at pangatlo sa apat na seasons.

Ipinaramdam agad ng Lady Bulldogs ang kanilang bangis nang lapain nila ang panalo sa unang dalawang sets kaya naman namuro agad sila sa pagsilo ng korona.

Hindi naman na pina­porma ng NU ang Taft-based squad sa third frame para tapusin ang laro at selyuhan ang kampeonato.

Bumakas si Alyssa Jae Solomon ng 13 markers lahat galing sa kills habang 10 ang kinana ni Evangeline Alinsug para sa NU.

Samantala, umukit ng kasaysayan si Belen bilang pangatlong manlalaro sa women’s UAAP na nahirang ng tatlong beses na season MVP.

Ang 22-anyos na si Be­len ang kauna-una­hang kumubra ng Rookie - MVP noong 84th season, nasungkit ang pangalawang mataaas na indivi­dual award nakaraang taon (Sea­son 86).

Unang gumawa ng nasabing three-MVP performance ay si Far Eastern University Lady Tamaraws star Ailyn Ege noong 63rd hanggang 65th season.

Makalipas ang ilang taon ay sinundan ito ni Alyssa Valdez ng Ateneo Blue Eagles, naging MVP sa 76th, 77th at 78th season.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with